Home Headlines Umarangkada na! Pamamahagi ng 3-M kilo ng bigas

Umarangkada na! Pamamahagi ng 3-M kilo ng bigas

954
0
SHARE

Bigas na ipinamamahagi ng Cabanatuan City LGU. Contributed photo.


 

LUNGSOD NG CABANATUAN – May kabuuan tatlong milyong kilo ng bigas ang sinimulang ipamahagi bilang food assistance ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan nitong Huwebes.

Ayon kay Mayor Myka Elizabeth Vergara bibigyan ng food assistance lahat ng sambahayan o pamilya na umaabot sa 95,000 na nasasakupan ng 89 na barangay ng lungsod.

Dahil malaking halaga ang kinailangan, ayon kay Vergara, ay isinama na rin nila sa pambili nito ang suweldo nila ni Vice Mayor Julius Cesar Vergara na kanyang ama.

Batay sa ulat ng city information and tourism office (CITO), tig-30 kilo ng bigas ang tatanggapin ng bawat pamilya sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa Covid-19.

Unang nabigyan ang mga residente ng mga barangay Patalac, Bagong Buhay, Macatbong, Kaikid Norte, at Kalikid Sur.

“Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng sampung kilong bigas para ngayong linggo. Tatlong beses lilibot ang pamahalaang lungsod para maghatid ng food assistance hanggang sa buwan ng Abril. Sumatotal na 30 kilos ang tatanggapin ng bawat pamilya,” pahayag ng CITO. 

Dadag nito, umaasa ang pamahalaang lungsod sa walang sawang suporta, pang-unawa, at kooperasyon ng lahat ng taga-Cabanatuan.

Pinapurihan naman ng lokal na pamahalaan ang mga barangay official at mga kawani ng city social welfare and development office sa maayos na pamamahagi ng food assistance.

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here