Home Headlines Namatay sa Covid-19 sa Bulacan galing London

Namatay sa Covid-19 sa Bulacan galing London

949
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Umuwi sa Pilipinas mula sa London ang naitala sa Bulacan na nagpositibo at namatay sa Covid-19 ayon sa Bulacan Provincial Health Office.

Ayon sa ulat, ang 65-anyos na lalake na namatay noong March 17 ay nagmula sa London na umuwi ng bansa noong March 2 at nanatili ng isang araw sa Marikina bago pumunta ng San Ildefonso noong March 3 para kaarawan ng ama.

Nagtagal ito sa naturang bayan hanggang March 8 at kinabukasan ay dinala na sa isang pribadong ospital sa Maynila matapos makitaan ng mga sintomas ng Covid-19 at kalaunan ay binawian nga ng buhay.

Kasalukuyan pa rin na nagsasagawa ng contact tracing ang Kapitolyo para sa mga nakasalamuha ng biktima sa San Ildefonso.

Habang minomonitor ngayon sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa Pampanga ang ama ng biktima at inoobserbahan matapos makasalamuha ang anak.

Samantala sa kabuuan ay anim na ang mga kaso ng Covid-19 na naitala sa Bulacan, dalawa dito ay sa San Jose Del Monte, isa sa Guiguinto, isa sa Malolos, isa sa Baliwag, at isa nga ang namatay mula sa San Ildefonso. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here