ORION, Bataan – Isang dating pulis na nasa talaan ng High Value Target ng Bataan PDEA ang nasakote sa ikinasang drug operation sa Barangay Calangusan sa bayang ito.
Kinilala ni Police Major John Jerme Almerino, Bataan provincial chief ng PDEA, ang suspek na si Patrolman Oliver Tolosa, residente ng Barangay Camachili, Orion at dating nakatalaga sa Hermosa Municipal Police Station.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang apat na transparent plastic sachet ng shabu, marked money at mga IDs kabilang na dito ang sa PNP.
Ayon sa ulat, ang suspek ay nadismiss sa pagka-pulis noong 2016 makaraan itong mag-positibo na gumagamit ng ilegal na droga sa isinagawang random drug test ng PNP.
Ang suspek ay nahaharap ss kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).