KUNG magkatotoo ang panukalang bill
na inihain sa Congress nitong ating
isa sa ‘party list’ solon ay malaking
tulong ‘yan para sa mga ‘elders’ natin.
Na inaasahang sa loob ng lima
hanggang anim na buwan ay aprubado na
itong naturang bill, na gawing otsenta
anyos ang edad ng ‘seniors’ na aniya,
Puede na ring bigyan ng kagaya nitong
sa ‘centenarians’ ay binibigay ngayon
base sa batas na kung saan ang ‘seniors,’
pagsapit sa edad na ‘sang daang taon,
Makatatanggap na mula sa gobyerno
ng halagang katumbas ng edad mismo
bilang karagdagan nilang benepisyo,
mapapabilang na ang naglyebo otso
Na mabibigyan na r’yan ng nasabing
ekstrang benepisyo na maituturing,
kapag naging batas ang panukalang bill
ng naturang ‘party list congressman’ natin.
Hindi nga lang kasing laki na kagaya
ng sa mga ‘seniors’ na isang daan na
ang edad, bago n’yan pupuedeng makuha
ang tig-100k r’yan ng bawat isa.
Base sa bagong batas na inihain,
(Either it’s a decree/executive order)
Ibinaba na sa ‘age 80’ ang puedeng
mabigyan na ng halagang otsenta mil.
(Kung saan ang dati na edad ‘100 years’
ang saklaw lang nitong naturang ‘benefit,’
ipinanukala ng ‘certain party list
solon’ na ito ay ibaba sa 80’s).
Kaya nga’t kapagka naaprubahan na
ang edad ng seniors na makakakuha
ng ‘lump sum’ na ganyan kalaking halaga,
ya’y malaking tulong na rin sa kanila.
Para sa araw-araw na pang-‘maintenance’
nila sa gamot at iba’t-ibang bagay
na pangangailangan habang nabubuhay
ang nakatatanda nating kababayan.
Sa panahong ito na lubhang maikli
na ng buhay, at di na gaya ng dati,
dapat ang sitenta kahit man lang kaunti
bigyan na rin kundi man ng kalahati.
Kasi kaysa ipagdamot ng gobyerno
ang salaping bayan, at mapunta ito
sa bulsa ng mga korap at dorobo,
na mga opisyal – bakit di sa tao?
Kaya lang dahil sa mas makararami
itong sa gobyerno ay buwayang kati,
sana huwag mangyaring ang bill na nasabi
ay mapag-iwanan lang sa isang tabi.
May sapat na pera ang pamahalaan
para sa ‘elders’ na marapat tulungan,
kaya kaysa ibulsa lang nitong ilan,
kay Lolo a Lola na natin ibigay!