Home Opinion ‘Sen. Sotto, a threat to our National Anthem’

‘Sen. Sotto, a threat to our National Anthem’

608
0
SHARE

ANO PA BANG dapat baguhin, susugan
sa ‘lyrics,’ kabayan ng ating Pambansang
Awit, na ngayon ay biglang naisipan
ni Tito Sotto, na gustong amyendaan?

At kung saan base sa panukalang ‘bill,’
ni Senador Sotto: Ang dalawang huling
linya ng naturang Pambansang Awitin,
na ang nasasaad, “Mamatay ng dahil

Sa iyo,” na kabuntot ng “Aming ligaya
na pag may mang-aapi” ay palitan aniya
ng “Ang mamatay ng dahil sa kalayaan mo,”
ay iyon din naman ang tinutumbok nito!

Kaya lang ang “dahil sa kalayaan mo,”
di akma sa bilang ng nota, Amigo;
kung kaya sa puntong ‘yan masasabi ko,
di ba’t kayo’y pamilya ng musikero?

At alam mo dapat na oras sumobra
ng isang silaba ang ‘lyric’ sa nota,
sintunado tiyak ang labas kumbaga
ng himno at alin mang uri ng kanta.

Halaw sa Spanish ang Lupang Hinirang
na likha ni Jose Palma ang ‘lyrics’ n’yan;
si Camilo Osias at A. L. Lane ang siyang
sa English version ang sumulat kabayan!

English version

Land of the morning, child of the sun returning
With fervor burning, thee our souls adore
Land dear and holy, cradle of noble heroes,
Ne’er shall invaders, trample thy sacred shore.

Even within thy skies and through thy clouds
And o’er thy hills and sea
Do we behold the radiance, feel and throb,
Of glorious liberty.

Thy banner, dear to all hearts,
Its sun and stars alight
O, never shall its shining field
Be dimmed by tyrant’s might!

Beautiful land of love, O land of light,
In thine embrace ‘tis rapture to lie.
But it is glory ever, when thou art wronged,
For us thy sons, to suffer and die!

Tagalog Version

Bayang magiliw, perlas ng Silanganan
Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula
At paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning
Ang biuin at araw niya
Kailan ma’y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo!

KAYSA itong ‘lyrics’ ng Pambansang Awit
ang baguhin, para sa akin ang higit
dapat palitan at alisin sa Senate,
ay siya – at sa ‘Eat Bulaga’ ibalik?!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here