Home Uncategorized Firecracker vendor tutol sa pagbabawal sa mga paputok

Firecracker vendor tutol sa pagbabawal sa mga paputok

871
0
SHARE

(Huwag naman patayin ang aming ikinabubuhay, ani mga tagagawa at nagtitinda ng paputok. Kuha ni Rommel Ramos)

BOCAUE, Bulacan —- Tutol ang mga gumagawa at nagtitinda ng mga paputok sa inihayag ni Pangulong Duterte na maglalabas ito ng isang kautusan na magbabawal na sa mga paputok.

Ayon kay Ding Dinglasan, may-ari ng Dings Fireworks, babagsak na ang kanilang hanapbuhay kapag ipinagbawal na ang mga paputok.

Ngayon pa lamang daw ay humina na ang kanilang kita ng hanggang 50 porsiyento kumpara ng nakaraang mga panahon, magmula nang higpitan ng Pangulo ang naturang industriya.

Hindi naman aniya lahat ng mga paputok ay dapat na ipagbawal gaya ng mga maliliit na firecrackers na hindi naman nakakasakit.

Bukod sa taunang pagsalubong sa Bagong Taon ay may mga bumibili din sa kanila ng mga paputok para magamit sa ibang bagay gaya ng mga palaisdaan at palayan para ipambugaw sa mga ibon na pumipinsala sa naturang kabuhayan.

Kaya’t pakiusap niya kay Duterte na i-regulate na lamang ang mga ito at huwag ipagbawal.

Nangangamba siya na libo-libong pamilya ang mawawalan ng hanapbuhay partikular sa Bocaue kapag ito ay lubos ng ipagbawal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here