Home Headlines TINIYAK NG NIA Sapat ang tubig sa tag-araw

TINIYAK NG NIA
Sapat ang tubig sa tag-araw

935
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Tiniyak ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) na sapat ang imbak na tubig upang suplayan ang mga sakahin ngayong tag-araw.

Ayon kay NIA-UPRIIS Department Manager Engr. Rose Bote, lampas sa kanilang requirement na 210 meters above sea level ang tubig ng Pantabangan Dam bukod pa sa imbak na tubig sa Aulo Dam ng Palayan City at Peรฑaranda River System sa Peรฑaranda, Nueva Ecija.

Ani Bote, nasa 125,848 na ektarya ang kanilang naka- programang patubigan ngayong dry season at pinakalaki rito ay nasa Division 3.

Nasa 47,131 ektarya ang natamnan na sa ngayon. Nagsimulang magpadaloy ng tubig sa sakahang pang-araw ang NIA-UPRIIS noong November 25, 2018, ayon kay Bote.

Sa kabila ng kasapatan sa imbak na tubig, ayon sa opisyal, ay nagsasagawa pa rin sila ng karampatang hakbang ypang makatipid nito.

Kaya naman naka-schedule maging ang palitang pagpapadaloy at paghinto ng irigasyon o alternate wetting and drying.

Samantala, patuloy ang pagsasaayos ng mga pasilidad ng ahensiya kabilang ang mga proyekto na kabilang sa nabibinbing 2019 national budget, ani Bote.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here