Home Opinion Pagbuhay sa ‘death penalty’ posibleng makabuti

Pagbuhay sa ‘death penalty’ posibleng makabuti

603
0
SHARE

NGAYONG kahit saan pa man yatang dako
ng ating bansa ay di na biru-biro
ang kriminalidad na biglang lumago,
saan na nga kaya tayo patutungo?

Kundi sa posibleng lalo pang paglala
ng krimen maging sa labas ng Maynila,
partikular na riyan ang panggagahasa,
na araw-araw ay laman ng balita.

Kung saan pati mga batang musmos
ay di na ligtas sa gawang maka-hayop
nitong mga ‘rapist’ na lango sa gamot,
kaya nga’t mas grabeng krimen ang kabuntot!

Pagkat nagagawa pa nilang patayin
ang biktima para lang patahimikin,
upang sa gayon ay hindi na maaring
makapagsumbong sa otoridad natin.

‘Yan ay isa lang sa halos di mabilang
na kaso ng panggagahasang naturan,
kung kaya sa ganang amin ay dapat lang
na ibalik natin ang parusang bitay.

At nang mabawasan kahit papaano
ang masasama sa ibabaw ng mundo,
na kagaya nitong madalas ay tiyo
o kaya naman ay ang ama pa mismo

Ang may kagagawan, kung kaya madalas
ay di na lamang isinisiwalat,
dahilan na rin sa kahihiya’t sukat
ng pamilya nila kung ya’y ihahayag.

At kaya lang napipilitan ang iba
na ipagbigay alam sa pulisya
ang kahalayang ginawa sa biktima
ay kung ito ay grabe o pinatay na.

Maliban sa kaso ng panggagahasa,
ay ‘illegal drug’ itong higit na malala
sa pinaka-grabeng problema ng bansa,
bukod sa ‘carnapping’ at nakawan yata

Kaysa ano pa mang krimeng nangyayari
dito sa‘tin ‘compared with the other country’
pagkat lahat na ng pinakamatindi
na pang-”Dorobo” ay atin din parati;

Na kagaya nitong ang iba’y sundalo
at pulis pa mandin ang kasabwat mismo
sa ilang serye ng holdapan sa bangko
at panloloob sa establisyemento.

Aywan nga lamang kung bakit kadalasan
ay otoridad pa mandin at opisyal
ng bayan ang sangkot sa kawalanghiyaan,
gayong malaki na ang sinasahod niyan?

Pero nagagawa pa nga nitong iba
ang mag-’take advantage’ para lang kumita
ng salaping hindi para sa kanila,
kundi sa tunay na ‘deserving’ talaga.

Kaya, kung marapat bitayin ang ‘rapist,’
at iba pang sa lipunan ay panganib,
ito pa bang huli na ating nabanggit
ang ligtas sa bitay sa puntong nabanggit?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here