Alden, Maine contest sa paghakot ng awards

    600
    0
    SHARE
    Patuloy sa paghakot ng awards sina Alden Richards at Maine Mendoza at para nga silang may contest sa paramihan ng awards. Si Alden, tumanggap na naman ng award dahil nag-5X platinum ang album nitong Wish I May sa GMA Records.

    Dahil dito, lalong dumami ang nagrirequest na sundan na ang album ni Alden, in fact, nag-meeting na ang GMA Records at nagkaroon na sila ng listening session. Kaso, hindi pa rin masimulan ang album dahil namimili pa ng materials at inaayos pa ang schedule ni Alden.

    Si Maine naman ang nanalong Favorite Pinoy Personality sa Nickelodeon Kids Choice Awards 2016. Wala pang detalye kung kailan ang awards night para rito. Higit kay Maine, ang AlDub Nation at solong fans nito ang talagang nagpakahirap bumoto para lang masigurong mananalo si Maine.

    Samantala, habang wala pang teleserye sina Alden at Maine, panoorin muna sila sa Lenten special ng Eat Bulaga airing on Holy Wednesday at pinamagatang God Gave Me You.

    Kasama nila sina Jose Manalo at Wally Bayola at introducing si Jake Ejercito na mukhang mag-aartista na rin. Lumalabas na rin siya sa Kalyeserye bilang classmate ni Maine at may impact ang appearance niya rito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here