Robin, tinapatan si Willie

    387
    0
    SHARE
    Nagsimula noong isang araw (March 7) ang pinakabagong daily game show ng ABS-CBN, ang “Game ng Bayan” hosted by Robin Padilla with Alex Gonzaga as co-host kasama sina Eric Nicolas, MJ Lastimosa at Negi.

    Ang programa ang pantapat ng Kapamilya Network sa daily game show ni Willie Revillame sa GMA, ang “Wowowin” na minsan ding naging Kapamilya.

    Sa “Game ng Bayan” masusubukan ang husay ni Binoe (Robin) sa paghu-host ng isang game show na first time niyang ginawa.

    Bukod sa paghu-host ng daily game show na “Game ng Bayan,” si Robin ay isa rin sa apat na hurado ng seasonal reality franchise na “Pinoy Got Talent” kasama sina Freddie Garcia, Angel Locsin at Vice Ganda na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa Kapamilya Network habang ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez-Padilla ay araw-araw ding napapanood sa “It’s Showtime,” ang daily noontime show ng ABS-CBN.

    Sobra umanong nagi-enjoy si Robin sa kanyang dalawang programa ngayon sa Kapamilya Network dahil kakaiba ito sa usual na ginagawa niya dati.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here