Iniyakan ang akting ni Claudine

    397
    0
    SHARE
    Kung larawan ng isang masayang ina si Mommy Inday ni Claudine Barretto minutes before the advance screening of “Bakit Manipis ang Ulap”, mangiyakngiyak naman ito after the screening kahit halos hindi na makita ang bunso sa dami ng mga taong nag-congratulate dito, including the big bosses of Viva na si Vic del Rosario at TV5’s Manny Pangilinan and Noel Lorenzana. In full force din ang fans na halos mawalan ng mga boses sa kasisigaw.

    Animo’y premiere night ng isang higanteng pelikula ang advance screening ng todong pinagkagastusan ng mga producer at dinumog ng mga fans. Very Regal ang atmosphere sa SM Aura sa Taguig.

    Kahit maikli ang naging usapan namin ni Mommy Inday, damang-dama namin sa matinding yakap niya ang labis-labis niyang kaligayahan.

    Napakaganda niya kahit walang make-up. Sa kanya talaga nagmana ang kanyang mga anak bagama’t poging-pogi rin si Daddy Mike. Napakaganda rin ng serye sa pagkakagawa ni direk Joel Lamangan kaya ‘wag na sana siyang madalas magalit para maiwasan ang panibagong atake sa puso.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here