Dahil may kapalit na kaagad ang Celebrity Bluff nila ni Jose Manalo.
Sa aming nasagap na balita, nag-last taping na raw ang nasabing show para sa season break nito. Pero tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatawa ni Uge sa bago nitong show na Dear Uge na magsisimula na sa Valentine’s Day mismo.
Ano ba ang maipapayo ni Uge tungkol sa buhay pag-ibig? Una, wala naman daw siyang love life. Pangalawa, hindi naman daw siya love guru.
Ito halos ang mga tanong na aming naririnig patungkol sa bagong show ni Uge. Naku, hindi pa man umeere ‘andami nang ipinupukol na komento.
Pero sa kalibre ni Uge, siguradong magiging patok na naman ito gaya ng Celebrity Bluff.
So ang tanong pa rin: Magiging credible ba siya pagdating sa usaping pag-ibig?