What You See Is What You Get

    343
    0
    SHARE
    Gisadung -gisado sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa presscon ng pelikulang No Boyfriend Since Birth under Regal Films last Tuesday night.

    Ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ang inurirat ng entertainment press sa Q&A portion dahil matagal-tagal na rin naman silang nali-link at noon pa natsitsismis na sila na nga.

    Unang tanong ay kung kailan dumating ang tamang panahon sa kanila.

    Sagot ni Carla, hindi pa dumarating.

    “Sa lahat ng bagay, may tamang panahon, lagi namang sinasabi ni Lola (Nidora sa Kalye Serye ng Eat Bulaga), so, may tamang panahon na nag-meet kami ni Tom in the past, may tamang panahon na nakapagteleserye kami, nakapag-movie kami, itong No Boyfriend Since Birth, ako naniniwala ako na lahat, perfect timing.

    “Kasi, ’yan ’yung oras na binigay ni God. Parang in God’s time, ’di ba? Hindi mangyayari ’yan sa panahon na ’yan kung hindi ’yan ’yung meant. We’ll see. Ako, never ko nahuhulaan talaga,” pahayag ni Carla.

    Gayunman, ready naman daw siya if ever na dumating ang tamang panahon para sa kanila ni Tom.

    “Basta ’yun, ready ako for sure kung kelan man ’yun,” she said.

    Ano ba ang hinihintay? Hindi ba sila exclusive to each other?

    “Nagdi-date naman po kami. Basta ang sa amin lang po ni Tom, hindi namin pinipilit ang mga bagaybagay, walang pressure rin sa isa’t isa, one day at a time, ’yung ganu’n,” sey ng aktres.

    But are they together now?

    “We date each other,” aniya sabay tawa.

    Excusively?

    “’Di ko alam kung matatawag siyang ganu’n. Parang ganu’n na parang hindi na oo,” medyo confusing na sagot ni Carla.

    Nang si Tom naman ang matanong, ayon sa aktor, hopeful siya at ipinagdarasal niyang dumating na ang tamang panahon para sa kanila.

    Basta raw, what you see is what you get.

    “If anything for me, mas lalong lumalalim, ako, I really genuinely enjoy every moment we spend together whether at work or… Kaya even at work, our working relationship is still good as ever. In fact, I find myself enjoying the whole process more and more,” sabi ni Tom.

    Gaano na sila katagal na exclusively dating?

    “Over a year,” sabi ni Tom.

    Pero hindi pa rito natapos ang panggigisa ng press dahil maya-maya ay natanong naman sila kung may namamagitan ba talaga sa kanilang dalawa dahil obvious naman that there is at baka hindi lang nila maamin.

    “Oo, lagi naman po naming sinasabi na special kami sa isa’t isa. Tom is very special to me and Tom always says I’m very special to him. So, lagi naming sinasabi, kung ano po ang gusto ninyong isipin, kung ano po ang gusto ninyong itawag sa amin. ‘Ay, magdyowa ’yan,’ okay. Nasa sa inyo po ’yun. Kayo po ang magbibigay ng label,” say ni Carla.

    Sabi naman ni Tom, “Whenever we say we’re very special to each other, I don’t think that’s the (basis), more than anything, what you see is really what you get.

    “When I say she’s very special to me, she’s very special to me and I don’t mean to be wasting both our time. So, I wouldn’t be in there naman siguro na… so, whatever label you guys are looking for, it’s up to you. Kasi, for me, what we feel, I think it’s real. I don’t think we have time to waste time.”

    Samantala, pangalawang movie na nina Carla at Tom ang No Boyfriend Since Birth.

    Una silang nagsama sa big screen sa So It’s You.

    Sa pelikula ay gagampanan ni Carla ang role ni Karina Miranda na no boyfriend since birth dahil hinihintay niya ang lalaking naging crush niya noong high school, si Carlo, ginagampanan naman ni Tom.

    So, kung paano mapapasakanya ang dream guy at kung paano niya gagawing forever ang relasyon nila, ’yan ang sasagutin sa pelikula na tips na rin actually sa girls and boys kung paano matatagpuan ang pang- forever na relasyon.

    Showing na sa Nov. 11 ang No Boyfriend Since Birth mula sa direksyon ni Joey Reyes.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here