Pagbalik niya ngayon from two shows in Zamboanga City , magpapalit lang ng eroplano at lilipad naman for Japan para sa show nila nina Ai-Ai de las Alas at Aicelle Santos.
Sa October 11 naka-schedule ang show, kaya baka Tuesday pa makabalik sa Eat Bulaga si Alden.
Kahit pagod, walang reklamo si Alden. Pangconcert ang dami ng taong nanonood sa kanya at big blessing ang album niya under Universal Records sa number 10 ng Worldwide Music Chart ng Billboard Magazine.
Si Alden ang third Filipino singer at first Filipino male artist na mapasama sa Billboard survey. Nauna na si Jaya na nag-number 44 ang song noong 1990 at si Charice Pempengco noong 2010.