Dati raw kasi ay flat ang puwet niya pero kinarir niya ito through exercise gaya ng squatting upang umumbok ito.
“Dati flat siya. Naangat ko siya sa gym. Product of hard work. Every day akong nag-i-squat,” rason ni Andrea.
Lalabas na ang coffee table book ni Andrea kung saan mas maraming sexy shots niyang ilalabas kumpara sa ginawa nang maging cover girl ng isang men’s mag.
“Mas naging confident ako. Kaya naman nang sabihin sa akin na gagawin ko ang coffee table book na ito, siyempre, overwhelmed ako,” saad ni Andrea sa press launch nito.
Road trip ang konsepto kung saan kuha ni Jay Tablante ang pictures.
Nasilip namin ang ilang pictures kung saan bumulwak ang boobs niya’t lutang na lutang ang matambok niyang wetpaks.
Ayon kay Andrea, times 10 ng poses niya sa men’s mag ang makikita sa book na ilalabas sa September 12.
Habang hindi pa umeere ang mini series niyang Blood in Dispute, ang promotions ng coffee table book ang gagawin niya.