Alden Richards ka-level na nina Piolo Pascual at Coco Martin

    315
    0
    SHARE
    Alden is now a certified big star. Konti na lang, ka-level na niya sina Piolo Pascual at Coco Martin. Nilampasan na ni Alden ng milya milya ang ibang nagtangkang sumikat gaya nina AljurAbrenica at Paulo Avelino. Huwag na nating isali sa contest ang maraming male starlet from all the netwoiks na tila yata hindi na makahulagpos starlet stature nila.

    Going back to Alden , nakatulong nang malaki sa kanya yung build up ng Eat Bulaga at GMA 7 na walang tigil sa promosyon sa kanilang dalawa ni Yaya Dub. And take note mismong Vic Sotto ang nagsabing matagal pa ang itatakbo ng kalye serye ng AlDub sa Eat Bulaga so assured na talaga’ng dalawa na tatagal ang kasikatan nila.

    Meanwhile, habang pinagkakaguluaha ang AlDub tila nakalimutan nila si Wally Bayola who plays Lola Nidora na sa kanya nagsimula ang lahat. Kung hindi sa antics niya di ipinanganak ang maraming characters hanggang sa maging Lola Nidora na nga siya.

    For us, si Wally ang tunay na bida ng Kalye Serye ng Eat Bulaga.

    Pero sa kabila ng success, Alden has remained humble, nakatayo pa rin daw ang mga paa sa lupa. Likas naman kasing mabait si Alden at siya yung tipong di lalaki ang ulo. We have known this boy from his young days at puwede naming patunayang isa siyang humble na tao.

    As for Maine Mendoza, we still don’t know. Di pa natin alam kung paano niya naha-handle ang kasikatan niya ngayon. Pero kung gaya siya ng mga naunang sumikat, puwede na naming sabihing GMA 7 is creating a monster.

    Kapag hindi kasi na-handle na mabuti ang tinatamong phenomenal popularity ngayton ni Maine baka sa bandang huli pati mga taong gumawa sa kanya ay kanyang silain.

    Huwag naman sana!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here