Maging ang mga tao behind the success of “Eat Bulaga” ay hindi rin makapaniwala sa sobrang kasikatan ngayon ng tambalang AlDub sa kanilang “Kalyeserye” segment ng programa na tinatampukan din ng character ni Lola Nidora (Wally Bayola) at Frankie (Jose Manalo).
Who would ever think na makakabuo ang “Eat Bulaga” ng isang kakaibang loveteam considering na magkalayo sila (Alden at Maine) ng location at hindi pa magkakilala at nagkikita hanggang ngayon?
Ultimo sina Alden at Maine ay hindi rin makapaniwala na kinababaliwan sila ng buong sambayanang Pilipino.
‘Yung gawing pabalat at malaking istorya ang AlDub ng isang leading hardcore newspaper is something else dahil phenomenal talaga ang sobrang pagbulusok ng kasikatan ng dalawa.
Natitiyak naming in the works na ang debut movie nina Alden at Maine na ipu-produce ng APT Entertainment ni G. Tony Tuviera.
Malamang din na isama ang AlDub loveteam sa MMFF movie nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas na “Romcom-in Mo ako” na nakatakdang idirek ni Joey Javier Reyes at joint venture ng OctoArts Films, M-Zet Productions, APT Entertainment at GMA Films.
Hindi rin kami magtataka kung bubuhos ang product endorsements para sa dalawa.
Although may ilang taon na rin namang talent ng GMA at ng GMA Artist Center si Alden, ngayon lamang talaga ito umangat nang husto.
Although masaya ang pamunuan ng GMA sa malaking tagumpay ng Kapuso actor na si Alden, sila naman ang nahihirapan sa sikip ng schedule ng singer-actor ngayon.