Megan at Lauren magkaiba ang taste sa lalaki

    401
    0
    SHARE
    Attractive and good-looking guy para kay Megan Young ang leading man niyang si Tom Rodriguez sa pagsasamahan nilang 2015 version ng Marimar.

    “It helps ’pag umaarte kami kasi kailangan, in love na in love si Marimar sa kanya. It’s easy,” saad ni Megan sa press launch ng GMA series.

    Eh, hindi ang tipo ni Megan ang agad-agad nabibighani sa kaparehang lalaki.

    “Ako kasi, I’m the type of person that likes to keep work where work is and my personal life where my personal life is. I don’t… ever since naman, ganoon ako, hahaha!

    “So, I really try my best na after ng, ‘Cut!’ wala na talaga,” katwiran ng unang Miss World ng bansa. Eh, kumusta naman ang sakitan nila ng kapatid na si Lauren Young?

    “We talk about it a lot. I mean, when you’re young and you’re a kid, hindi mo maiiwasan ang rough play. Lahat ng bata, nagsasabunutan, nagsusuntukan. Hahaha! You play around really rough talaga.

    “Now that we are older, parang, ‘Lauren, ito ang eksena natin. Dito mo ako sabunutan kasi wala akong hair extensions dito, hahaha! It becomes very technical. “But the good thing is since magkapatid kami, maganda ang relationship namin as sisters, hindi na kami nahihiyang gawin.

    Parang, ‘O, ’yung sabunutan natin, medyo intense. Kung may adlib ka na sasampalin mo ako, hindi ako magagalit.’ Mas umiiyak pa nga ako sa mga eksena ko eh, hahaha!

    “So I think that it’s really great that we are super close. Kasi wala nang hiyaan,” chika niya. Pagdating sa lalaki, magkaiba raw sila ng taste.

    “Yes! At maraming nanliligaw kay Lauren,” saad pa niya.

    ’Yun nga lang, nang tanungin namin si Megan kung may boyfriend ba siya ngayon, sagot niya, “Wala po, eh!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here