Pero, naispatan pa rin namin siya at nilapitan. Naroon siya bilang suporta sa kanyang “Mama Dawn” na naging ina niya sa teleseryeng “Walang Hanggan.”
Gusto din ni Coco ma mapanood ang usap-usapang eksenang napaka-emotional daw na love scene ni Dawn with Richard at marubdob ang kanilang pagtatalik dahil pilit na binabawi ni Dawn kung ano man ang dahilan ng kanyang “pangangaliwa.”
“Gusto ko rin uli siyang makasama sa teleserye o pelikula. Nami-miss ko na siya,” ani Coco. Nanatili siya sa kanyang kinauupuan nang dumating na si Dawn. Nahihiya siyang lumapit at makaagaw ng eksena, kaya’t nanatili siya sa kanyang kinalalagyan.
Kaya lang, nang dumating si Julia Montes ay pinilit si Coco na magpakita sa madlang pipol at pinatabi siya kay Julia.
Wish ni Coco na magsama sila ni “Mama Dawn” niya sa isang pelikula o teleserye na magpo-focus sa relasyon ng isang ina sa kanyang anak.