Bagong iibigin ng showbiz si Edward Benosa

    247
    0
    SHARE
    THERE’S A phenomenon now called Yaya Dub. Saan man ako magpunta, people are asking me about her. Na nakaiirita na. Sobra na, nakukulitan na ako, sobra na ang Yaya Dub na ito.

    Anyway, she is now a big name. A creation of Eat Bulaga. I just hope na hindi siya maging monster sa bandang huli naalam naman nating sub-culuture na sa showbiz. Hopefully, she will remain humble hanggang sa huli, Pero di kaya yun imposible? Actually, wala pa namang sumikat na hindi naging monster sa bandang huli Yaya Dub is given full management attention now sa Eat Bulaga. Kumbaga, she is the star of the show, pero hanggang kalian? This thing enjoyed by Yaya Dub will die down. Lahat naman ng tumaas ay bumababa. Yan ay law of gravity at hindi imposibleng mangyari sa kanya. Sana at this point nag-iisip na sila kung saan babagsak sa bandang huli si Yaya Dub.

    Pero teka hindi kaya isama si Yaya Dub sa pelikulang pampestibal ni Vic Sotto?

    Pag nagkataon, maganda ang kumbinasyon. Vic-AiAi at Al-Dub.

    Well and good, popularity is being served to her with a golden spoon. Pero dapat niyang alamin na may wakas ang ganito.

    How? Paano nga ba magwawakas sa bandang huli si Yaya Dub?

    At habang pinagkakaguluhan ang phenomenal na si Yaya Dub, marami ang mga nagnanais namabigyan ng pagkakataon. Si Yaya Dub ay exception sa rule na lahat ng mga gustong makapasok sa main stream ay daan sa mga pagsubok. Well, sana mabigyan ng ganyang suwerte si Edward Benosa, an upcoming singer na matagal nang nangangarap na mapasok ang showbiz.

    Nakausap namin sa isang press forum si Edward at nagpa-sample ng mga kanta sa kanyang album. Palakpakan talaga ang lahat at humingi pa ng encore number kay Edward.

    Sabi namin nagdaan sa maraming hirap si Edward pero ngayon nabibigyan na siya ng breaks.

    Salamat daw sa Star Records na nagbigay ng pagkakataon sa kanya. Kahit paano, ngayon, Edward is enjoying a minor popularity.

    Actually, bago sa ang kanyang album sumikat na yung carrier single na Di Man Lang Nagpaalam. Nag-number one daw ito in the past and Edward is holding on na sana ito na talaga ang simula.

    Naging talent din daw siya ng Backroon under Boy Abunda but when given the chance heto na nga siya sa Star Records at namamayagpag din siya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here