Ruffa G tinawag na bobo ng ina sa harap ng press people

    262
    0
    SHARE
    WE really admire Ruffa Gutierrez on how she gracefully handles the situation when her mom is bashing her sa harap ng movie press at maging sa publiko na may kinalaman sa tahasang pagayaw nito sa nobyo nitong si Jordan Mouyal.

    Kahit nagkaasawa, nahiwalay at may dalawa nang growing-up kids si Ruffa, her mom is her number one detractor (protector?) pagdating sa kanyang lovelife. Ito rin ang nagiging dahilan ng pagkakagalit ng mag-ina na ang buong akala ng marami ay nagkabati na sa kasal ng nakababatang kapatid ni Ruffa na si Elvis sa misis nitong ngayong si Alexa.

    Sa renewal contract signing ni Ruffa bilang ambassador ng Cosmo Skin products na ginanap sa ballroom ng Fairmont Hotel in Makati, natuwa ang lahat nang makitang dumating si Annabelle at nagkatabi pa sila ng upuan ni Ruffa. Si Annabelle ang tumatayong business manager ni Ruffa kaya naroon ito sa contract signing. Pero kahit sandali lamang itong nag-stay sa nasabing contract signing, hindi na pa rin ito napigilan si Annabelle sa kanyang harap-harapang pagbatikos sa anak habang tahimik at nakangiti lamang si Ruffa. Ani Annabelle, wala siyang masasabi sa sipag at bait ni Ruffa bilang ina nina Lorin at Venice, pero “bobo pagdating sa pag-ibig.”

    Sa kabila ng away-bati-galit stance ng mag-inang Annabelle at Ruffa (na napapanood sa kanilang weekly family reality show na “It Takes Gutz to be a Gutierrez” on E! Channel), hindi pa rin nawawala ang respeto at pagmamahal ni Ruffa sa kanyang ina.

    Samantala, dahil sa pagiging celebrity endorser ni Ruffa ng Cosmo Skin products ay lalong tumaas ang sales ng iba’t ibang produkto nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here