When this show was offered to me, tinanggap ko agad kasi it’s a good project at enjoy ako sa co-stars ko. Magkasama kami ni Gelli de Belen sa tent and nonstop ang kuwentuhan namin. Puro off the record. Naririnig nga raw nina Lorna Tolentino and Mitch Valdez sa tent nila ang ingay ng chikahan at tawanan namin, e.” In real life, of course, she has a BF, Jordan Mouyal, who her mom Annabelle Rama dislikes for her. Is she mad at her mom for objecting to him? “I can never be mad with my mom even if she sometimes becomes unreasonable or sobra na yung ginagawa niya. Kasi, tingin niya, teenager pa rin ako. I mean, dalawa na ang anak ko, nahiwalay na ako, so please, let me be na, di ba? But she’s always been like that. Wala naman akong naging boyfriend na nagustuhan niya. Hindi naman pataygutom o hampaslupa si Jordan like she says. May sarili siyang career and he also comes from a good family.”
But hasn’t she and her mom reconciled? “Bati na kami kasi I humbled myself para makipagbati sa kanya. Sabi naman niya, hindi pa raw galing sa puso niya. Nakataas pa rin ang kilay niya sa’kin. Hindi ko na nga pinapupunta si Jordan sa family affairs like sa launch ng new season ng ‘It Takes Gutz to be a Gutierrez’ kasi ayaw niyang makita. Our director, Steven Gilfeather, nahirapan talaga noong inaaway niya ako when we were in Bali. Sabi sa’min, you better behave. So I’m just hoping darating din ang araw that she’ll be able to accept him.”
According to Annabelle, like any other mom, “gusto ko lang makitang malagay sa ayos ang buhay ng anak ko. Sana ma-realize ni Ruffa na hindi siya forever na magiging bata at maganda, so gusto ko, makahanap siya talaga ng tamang lalaki na mag-aalaga sa kanya at sa dalawang anak niya. Hindi naman siguro masamang maghangad ka ng ganoon para sa anak mo.”