The Buzz bids goodbye

    319
    0
    SHARE
    NA-SHOCK ang mga manonood ng long-running showbiz-oriented talk show na “The Buzz” nang hindi inaasahang magpaalam ito sa ere last Sunday afternoon sa pamamagitan ng King of Talk na si Boy Abunda, isa sa tatlong main hosts ng programa na kinabibilangan din nina Kris Aquino at Toni Gonzaga.

    Come June 13 ay magsi-sixteen years na sana sa ere ang The Buzz which was first hosted by Boy Abunda na bagong lipat noon galing GMA.

    In its almost 16 years on air, iba’t ibang co-hosts ang mga nakasama ni Boy at kasama na rito sina Kris Aquino, Cristy Fermin, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Charlene Gonzales at Toni Gonzaga.

    In all fairness to the show at sa mga hosts, hindi tatagal nang ganoon ang isang programa kung hindi ito nagri-rate at suportado ng advertisers. While other showbiz talk shows went off air much earlier, nagpatuloy ang The Buzz sa paghahatid ng mga maiinit na showbiz news linggu-linggo.

    Binigyang-daan nina Kris at Toni si Boy na siyang magpaalam at hindi naiwasan ng Waray TV host na maging emotional dahil bukod sa dito (The Buzz) siya nakilala bilang showbiz authority host, hindi puwedeng tawaran ang pagiging host niya ng programa. Pero nangako si Boy na muling babalik ang isang makabagong showbiz-oriented talk show na may kakaibang format. Hindi nga lamang idinetalye ng TV host kung kelan muling magsisimula ang bagong showbiz-oriented talk show na sa pagkakaalam ng marami ay si Boy pa rin umano ang main host.

    Ang maganda sa ABS-CBN, nagpaalam ang The Buzz sa ere while still at the top of the ratings.

    Since wala na ang “The Buzz,” bakit hindi na lamang i-extend to one hour ang “Aquino and Abunda Tonight” nina Kris Aquino at Boy Abunda, ang natitirang showbiz talk show ng Kapamilya Network?

    Samantala, hindi na-outlast ng The Buzz ang longest-running showbiz talkshow ng GMA, ang “Startalk” na magtu-twenty years na sa darating na October 1.

    Sina Boy Abunda at Kris Aquino ang original hosts ng “Startalk” bago sila nag-decide na mag-move sa ABS-CBN.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here