Kumpirmado na nga ang pag-babalik ni Derek Ramsay sa Star Cinema at bongga ang kanyang comeback dahil ang Reyna lang naman sa ABS-CBN ang makaka-sama niya na walang iba kundi si Kris Aquino.
Sa wakas ay matutuloy na rin ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa na matatandaang last year pa pinaplano under Regal Entertainment. Pero dahil nga hindi pinayagan si Kris ng ABS-CBN at Star Cinema that time, naunsyami ang proyekto.
But this time, hindi lamang mukhang matutuloy na kungdi nadagdagan pa ito ng mga producer. Magsasanib-puwersa ang Star Cinema, Regal Entertainment at Quantum Films para sa naturang proyekto.
Sa grand launching para sa mga bagong show ng TV5 ay nakausap ng entertainment press si Derek na nagpahayag ng pasasalamat kay Kris dahil alam niyang malaking bahagi ang kaibigan para matuloy ang project at makabalik siya sa Star Cinema.
Gustung-gusto rin ni Derek ang concept ng movie na isang romantic comedy na alam naman nating bagay na bagay din sa kanya dahil nga sobrang successful ng rom-com nila ni Jennylyn Mercado na English Only, Please.
Hindi pa raw niya pwedeng idetalye ang concept ng movie nila ni Kris pero cute raw ang movie at never pa niyang nagawa in his past projects.
Samantala, may dalawang bagong shows si Derek sa TV5, ang sitcom na Mac & Chiz kung saan ay kasama niya si Empoy na magsisimula na sa Sunday, Jan. 25. Ang isa naman ay Extreme Challenge na hindi pa namin alam kung kailan magsisimula.