Ara Mina di itinatago ang pagbubuntis ni Cristine Reyes

    364
    0
    SHARE

    Wala raw intensyon si Ara Mina na itago ang pagdadalantao ng nakababatang kapatid na si Cristine Reyes.

    Matatandaang last Sunday lamang ay inamin ng aktres na magiging ina na siya sa programang ASAP 19. Esplika pa ni Ara wala raw siyang karapatan na sa kanya manggaling ang anunsyo kundi sa may katawan at kailan lang din daw niya nalaman.

    Tatlong mga bata raw ang madadagdag sa kanilang pamilya. Sabi pa niya sa interview nito sa “ Bandila” “Actually tatlo kami sa pamilya ang nagsabay-sabay magbuntis. Nauna nga lang manganak si Haydee last week. Ako naman before Christmas at si Cristine next year of summer. Ang saya-saya, ‘di ba? Tatlong little angels agad. Blessing ‘yon,” she said.

    Nakasuporta si Ara sa pagbubuntis ngayon ng kapatid. Nag-post pa nga ito sa kanyang Instagram account ng picture na magkayakap sila ni Cristine with matching message pa na, “Another blessing from God. I’m proud and happy for you my sister! I will always be here for you no matter what. You are in my prayers everyday.

    I love you to the moon and back.” Tungkol sa pagpapakasal, naniniwala pa rin naman daw ang pamilya sa pamahiin ng sukob kaya ang pakiusap niya kay Cristine ay hayaan daw muna siyang makasal sa boyfriend nitong si Mayor Patrick Meneses bago sila mag-settle down Fil-Persian boyfriend naman nitong si Ali Joshua Khatibi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here