UM-EXIT na si Alex Gonzaga sa Pinoy Big Brother House last Saturday at nakakatuwa ang reaksyon ng ate niyang si Toni Gonzaga dahil ang saya-saya niya.
In fact, mas masaya pa siya kaysa sa younger sister niya. Mereseng naka-gown si Toni, todo-sayaw siya talaga sa stage kasama si Alex matapos itong lumabas sa Bahay ni Kuya. Makikita talaga sa kanya ang labis na kasiyahan.
“Ang saya-saya. Maraming salamat, Kuya, at binalik mo na ‘yung kapatid ko. Siyempre, ang hirap kasi, sabi ko nga tuwing Sabado at Linggo, tuwing uuwi ako, mag-isa lang ako. Ngayon, uuwi akong kasama ko na siya,” sabi ni Toni.
Pero ang biro naman ni Alex, hindi na siya uuwi ng bahay dahil napatunayan niyang kaya naman pala niyang maging independent. Hahaha! “Nakagawa na ako ng balsa mag-isa, kaya ko na,” say ni Alex.
Say naman ni Toni, “Alam mo, ‘yan ang sinabi niya, sabi ko, ‘Catherine, uuwi na tayong dalawa,’ sabi niya, ‘hindi na, magku-condo na lang ako.’ Salbahe, ‘di ba?” Seriously, say ni Alex, malaki ang natutunan niya habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.
“Ang pinakaimportante pong lesson na natutunan ko is matuto pong makibagay. Matuto pong mag-adjust, makisama sa maraming tao kasi hindi po laging ‘yung gusto mo ang masusunod,” sabi ni Alex kay Kuya.