PMPC outing sa Jed’s Island Resort

    394
    0
    SHARE

    ISANG masayang team-building/outing ang pinagsaluhan ng buong pamunuan at miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong ika-31 ng Mayo hanggang Hunyo 1, 2014, sa Jed’s Island Resort sa Calumpit, Bulacan.

    Sa pamumuno ng pangulong Fernan de Guzman, naging mainit ang pagtanggap ni Ms. Beng at ng buong staff ng Jed’s Island Resort sa grupo ng mga manunulat, kung saan binigyan nila ang PMPC ng accomodation sa Aguila Private Pool.

    Bukod sa walang humpay na kasiyahan, ang highlight ng team-bulding ay ang pagbibigay ng award sa mga nagwagi sa PMPC Writing Contrest. Ang pagbibigay karangalan ay inialay sa yumaong Chairman na si Ernie Pecho. At narito ang mga nagwagi:

    Sa Column Writing (Filipino), wagi sina Oghie Ignacio (1st prize), Mercy Lejarde (2nd), Beth Gelena (3rd). Sa Feature Writing (Filipino), ang mga nanalo ay sina William Reyes (1st), Glen Sibonga (2nd), George Vail Kabristante (3rd).

    Sa Column Writing (English), ang mga nagsipagwagi ay sina George Vail Kabristante (1st), William Reyes (2nd), Joey Sarmiento (3rd). Sa Feature Writing (English), ang nanalo ay sina Joey Sarmiento (1st), William Reyes (2nd), Eric Borromeo (3rd) at sa On- the-Spot Writing, nakuha ang premyo nina Joey Sarmiento (1st), Veronica Samio (2nd), Leony Garcia (3rd).

    Naging possible ang outing cum awarding of writing contest ng PMPC dahil sa suporta nina Malou Choa-Fagar, Ramz David, Sen. Bong Revilla, Mayor Herbert Bautista, Boy Abunda, Vice Gov. Daniel Fernando, Marivin Arayata, Popoy Caretativo, German Moreno, Vice Ganda, Cristy Fermin, Wenn Deramas, Joel Lamangan, Biboy Arboleda, Sylvia Sanchez, Bea Binene, Vince Tanada, Joji Dingcong, PAO Chief Persida Acosta, Lala Aunor, Jerry Yap, Ogie Alcasid at GMA Corpcom.

    For reservation, maaaring kontakin ang Jed’s Island Resort sa 02-299-8013, 044-675-1652 at 044-320-0064.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here