Coco Martin na-in love sa boses ni Sarah G

    390
    0
    SHARE

    AYON kay Coco Martin, gandang-ganda siya sa version ni Sarah Geronimo ng kantang Maybe This Time na siya ring title ng movie nila na showing na ngayong May 27.

    “Nung fi rst time kong narinig ’yung pagkakanta ni Sarah sa Maybe This Time na theme song, honestly, kahit nasa soap ako, nasa bahay ako, paulit-ulit ko lang siyang pinapakinggan.

    “Sabi ko nga, ‘alam mo bang napakaganda ng pagkakanta mo?’ ’Pag pinakikinggan mo siya (the song), alam mo, kahit ayaw mong ma-in-love, parang feeling mo na in-love ka. Ganu’n.

    “Kapag nasa set kami, si Direk Jerry (Sineneng), paulit-ulit pinaririnig sa amin ’yun, bago mag-take, pilit niya kaming pinai-in-love and then, nakakatuwa kasi, as a character, talagang mai-in-love ka, eh,” sabi ni Coco.

    Pagbibiro pa ng aktor, sa pelikulang ito, feeling din daw niya ay ang guwapu-guwapo niya. “Sa pelikulang ito, dito lang talaga ako guwapung-guwapo. Pag-agawan ka ba naman ng isang Sarah Geronimo at Ruffa Gutierrez,” say niyang natatawa.

    But in real life, ayon kay Coco, medyo matagal-tagal na rin daw niyang hindi nararanasan ang ma-in-love. Simula raw nang maging busy siya sa trabaho as in sunud-sunod naman talaga ang projects niya, hindi na raw siya nagkaroon ng love life.

    “Sabi ko nga, choice ko ’yun na parang this time siguro, mas gusto kong isipin ang future ko, mas gusto kong paghandaan kasi alam ko, lahat ’to mawawala. And then, after that, siguro ’yun na ’yung time para intindihin ko naman ang sarili ko at ’yung puso ko,” he said.

    Natanong din si Coco kung may napansin ba siyang ningning sa mga mata ni Sarah kapag nagsu-shooting sila at kung may naise-share ba ang leading lady sa love life nito. “Basta nakikita ko sa set, masaya siya, sobrang bait niya sa mga staff namin. Tapos, pag dumadalaw sa kanya ang fans, kahit pagod na siya, hinaharap pa rin niya.

    Talagang ganu’n siya kabait.” Mukha bang in-love si Sarah? “Basta alam ko, masaya siya,” sambit ulit ni Coco.

    Si Sarah naman, naging mailap kapag natatanong sa kanyang love life at puro paiwas ang mga sagot. Nang matanong kung in-love ba siya ngayon, she said, “dapat lagi tayong in-love. In love tayong mabuhay, in-love tayong ma-in-love ulit, in-love tayong maging masaya. ’Yun po.”

    Pero nasabi na ba niya sa sarili niya na “sana, this time, love won’t end?” “Opo naman, pangarap ng bawat isa,” matipid na sagot ni Sarah.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here