Dingdong, Marian pakakasal na sa 2015

    484
    0
    SHARE

    BAKASYON mode ang showbiz couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang selebrasyon noong Valentine’s Day.

    Kasama ang ilang kaibigan, nagpunta sila sa Balesin Island sa Quezon. Ito raw ang Valentine gift ni Dingdong sa girlfriend kasama ang ilan pang kaibigan. Kung hindi kami nagkakamali, pang-apat na Valentine celebration na ito ng magkasintahan.

    May mga nag-iisip nga na baka mag-propose na si Dingdong kay Marian habang nasa Balesin sila, pero ayon sa malalapit sa showbiz couple, mukhang wala pa sa plano ng mga ito ang magpakasal this year.

    For one, fully booked daw ang schedule ni Dingdong hanggang November. May naka-line-up siyang dalawang pelikula at isa rito ay mula na naman sa Star Cinema.

    May teleserye rin siyang gagawin sa GMA-7 with Maricel Soriano at magsisimula na nga ang taping ngayong Marso. Si Marian naman, may teleseryeng umeere ngayon sa GMA-7 at pagkatapos nito, may sitcom siyang gagawin. May movie contract pa siya sa Regal Films at nakatakdang gumawa ng isang pelikula this year sa nasabing produksyon.

    Ayon pa sa malapit sa dalawa, it’s safe to say na baka next year, pakasal na ang dalawa. Pero siyempre, nothing’s defi nite yet.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here