Alice Dixson nakipaglaplapan sa mas batang leading man

    1015
    0
    SHARE

    PABATA NANG PABATA ang mga nagiging leading man ni Alice Dixson dahil ang young actor namang si Mark Neumann ang kapareha niya sa telemovie niya na ipalalabas sa TV5 titled The Lady NextDoor.

    Bilang matagal na rin sa industriya, ani Alice ay hindi naman daw naging mahirap sa kanya at hindi naman daw siya nailang. In fact, siya pa nga ang gumagawa ng move para maging kumportable sa kanya si Mark.

    “I tried to make him feel comfortable, and you know, whenever there’s a new experience na I think that can help him, like ’yung mga personal experiences ko, sine-share ko naman sa kanya.

    “Sinabi ko rin sa kanya na importante na ma-improve niya ang kanyang Tagalog because katulad ko din, naging obstacle ko ’yun,” sabi ni Alice.

    May kissing scene daw sila rito ni Mark at aminado naman si Alice na mas nag-mature na talaga siya ngayon when it comes to doing daring roles.

    “Hindi tulad noong bata pa ako, teeny-bopper, I was very conservative, ayokong gawin ’to, but you know, like I said, I take my work seriously at kung hinihingi talaga ng eksena, ibinibigay ko,” she said.

    Anyway, ang The Lady Next Door ay pilot episode ng apat na telemovies na ipalalabas sa Singko. Mapapanood na ito sa Feb. 4.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here