NAGING PALAISIPAN sa press yung tinuran ni Marian Rivera sa press launch ng Carmela na ginanap kamakailan lang. Tungkol ito sa isang taong aniya ay hindi pa rin bumabati sa kanya na nasa kabilang network.
Lahat namandaw ay bumabati sa kanya pati na si |Angel Locsin, pero bukod-tangi ang isang ito na talagang nang-iisnab pa rin sa kanya. Pabiro lang yung pagkukuwento ni Marian pero may nagpapalagay na si Karylle Tatlong Hari ang tinutukoy ni Marian although, ayaw naman niyang sabihin kung sino ito. Ayon naman kay Marian, in the same event, hindi isyu sa kanya kung si Anne Curtis ang bagong Dyesebel.
Hindi rin siya maligalig na maglalaban sila sa primetime sa January 27 ng drama series ni Angel Locsin.
“Nagbabatian naman kami ni Anne ’pag nagkikita kami. Eh, nu’ng nagkasama kami sa isang magazine ni Angel, nagbibiruan naman kami. Ganoon talaga. Masasalin at masasalin sa iba ’yan. Malay mo, ’yung Marimar din, Dyesebel, Darna.
“Palit-palit lang ’yan. Ang maganda ay nagawa ko nang parehas. Nag- Darna at nag-Dyesebel ako,” pahayag ni Marian sa naturang press launch. And speaking of Carmela, hindi maiwasang matanong si Marian tungkol
sa sinasabing mainit na eksena nila ni Alden Richards, na siyang leading man ni Marian.
Ayon kay Marian kahit may kissing scene at mangyayaring love scenes sila ni Alden Richards sa series, ayaw niyang maging ’yon ang sentro ng bentahe ng series.
In fact, todo ang suporta sa kanya ng boyfriend na si Dingdong Dantes. “Bago ako pumunta sa press launch, nag-text siya sa akin. ‘I’m proud of you! Good luck sa series mo!’ Natutuwa ako sa kanya dahil si Dingdong, napaka-supportive niya. Maging siya, sa interview sa kanya, sinasabi niya na malakas ang chemistry namin ni Alden.