Rafael Rossel, isang taon nang zero ang sex life

    352
    0
    SHARE

    MATAGAL-TAGAL DIN palang celibate si Rafael Rossel. Meaninng, zero ang kanyang lovelife, pati na sex life niya.

    Ayon kay Rafael, masyadong traumatic para sa kanya yung huli niyang love life. Sobrang nasaktan daw siya sa huli niyang girlfriend. Ayaw namang magsalita ni |Rafael kung ano ang naging experience niyang nagdala ng trauma sa kanya.

    “I had a traumatic experience with my last girlfriend so nasaktan ako and avoided women for a while. That helped me a lot kasi nakapag-isip-isip ako about life.

    Nag-focus lang ako sa trabaho and how to improve myself. Nag-research ako about a lot of things, lalo na about healthy eating. As of now, okay na ko and I am back to dating again.”

    Labis namang ikinatutuwa ni Rafael na isa siya sa mga bida sa bagong teleserye ng GMA 7. Ito yung Borrowed Wife at dito, pinag-aagawan daw siya ng dalawang babae, sina Pauleen Luna at Carmina Villaroel.

    “Sa kuwento lang po yun, sa tunay na buhay wala naming mga babaeng nag-aagawan sa akin,” pabiro pa niyang sabi. Ipinagmamalaki rin daw ni Rafael na puro bigatin ang mga kasabayan niya sa pag-arte sa naturang teleserye.

    “Pati sina TJ Trinidad, Yayo Aguila, Caridad Sanchez, puro mahuhusay, so I make sure I have to level up sa kahusayan nila para di ako mapag-iwanan.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here