BWENA-MANONG trabaho kay Bea Alonzo ngayong 2014 ang napakalaking seryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon under Dreamscape Productions ng ABS-CBN.
Reunion project din niya ito sa unit nibusiness unit head Deo T. Endrinal dahil Betty La Fea pa ang huli niyang serye sa nasabing unit.
Kaya naman excited si Bea na makatrabaho ulit ang mga staff ng Dreamscape unit and at the same time, aminado siyang pressured siya sa proyekto.
“Sobra akong pressured, hindi ako magiging ipokrita, pressured ako,” sabi niya sa announcement presscon last Thursday kung saan ay ipinakilala na ang buong cast ng serye.
“Kasi fi rst time ko silang (the cast) makakatrabaho lahat. Halos lahat. Sina Tita Anita Linda, and sina Tito Ron (Ronaldo Valdez) lang ang nakatrabaho ko na before.
“But siyempre, more than the pressure, mas ’yung excitement ang nangingibabaw kasi it’s not everyday na nabibigyan ka ng pagkakataon to work with these people.
“Alam mo ’yun, na ikaw pa ’yung halos anchor nu’ng show. So, as much as pressured ako, mas nangingibabaw ’yung excitement.” Sa bago niyang seryeng ito ay fi rst time raw niyang gaganap ng tatlong karakter kaya sobrang challenging daw ito for her.
Kaya nga tinodo na raw niya ang bakasyon nitong last holiday kung saan ay nagpunta sila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo sa Europe. “Tinodo ko talaga, kasi nga, mahirap ’tong taping na ’to,” natatawa niyang say. “Alam ko, pagbalik ko, work agad.”
Dalawa lang ang napuntahan nilang bansa sa Europe — ang London and Scotland at ito ay dahil daw sa gusto nilang ma-enjoy ang bawat bansa. “Ayaw kasi namin ’yung ang dami n’yong maleta, tapos from one country to another, stressed kayo, ganu’n. Gusto namin ’yung relax lang, ’yung nasa-savor mo talaga ’yung culture ng bawat country.
“I have been to London few times before pero fi rst time ko lang siya nalibot nang ganito. And baka nga bumalik kami ng Holiday 2014 pero with my family na.” Nagkita-kita nga raw sila roon ni Kris Aquino at dalawang anak nito and nag-afternoon tea raw sila at konting tsikahan.
At dahil magiging busy siya sa 2014, ibig bang sabihin nito ay isinasantabi na naman nila ni Zanjoe ang tungkol sa usapan ng kasalan? “Alam mo, ang lakas talagang makatanda nu’n (wedding talks). Hindi, hindi pa kami magpapakasal at wala pa ring nangyayaring proposal at hindi pa masyadong napag-uusapan ’yan,” she said.
Pero siyempre, kung siya ang tatanungin, she hopes na si Zanjoe na ang lalaking papakasalan niya when the time comes. “Pero hindi pa ngayon. Ang dami pa naming gustong gawin sa buhay namin. I hope he’s the one.
Sana nga, siya na nga,” she said. Samantala, bukod kina Anita Linda and Ronaldo Valedez, makakasama rin ni Bea sa Sana Bukas Pa ang Kahapon sina Paulo Avelino and Albert Martinez bilang kanyang leading men, Iza Calzado, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez and Ms. Susan Roces. Magsisimula na silang magtaping ngayong Pebrero.