GMA 7 handang lumaban nang sabayan

    373
    0
    SHARE

    TATLONG DRAMA ngayong January at dalawa sa February ang pasabog na shows ng GMA Network sa manonood.

    Unang factor sa paglikha ng bagong show ay ’yung relatable sa manonood. Aminado ang GMA lady executives na groundbreaking ang risk na ginawa nila sa My Husband’s Lover at umani naman ’yon ng tagumpay.

    Sa line-up ng bagong shows this quarter, ang series ni Louise de los Reyes ang isa sa risks na gagawin nila dahil nga relatively new ang aktres na ilu-launch na sa solo stardom after ng loveteam niya kay Alden Richards na kay Marian Rivera naman isasabak sa Carmela.

    Pinagmukha nilang diyosa si Louise dahil sa pagpapakita niya ng katawan sa Kambal Sirena. ’Yung mukhang pangmasa ni Louise ay pumatok sa manonood.

    Inihahanay siya kina Marian, Jennylyn Mercado at Kylie Padilla. Totoo yata ang tsismis na siya ang “Third Princess” ng GMA.

    “Actually, wala namang third princess sa GMA. Wala pa namang ganoong title. Palagi namang nagri-risk ang network sa bagong artists. Kasi kailangan din naman nating magpakita ng bagong faces. So, si Louise naman has been tested in a lot of our programs.

    “The recent one was Mundo Mo’y Akin which did very well. So, it’s time na i-elevate na siya,” katwiran ni Cheryl Ching, AVP for drama ng network.

    “Thrust din ng network to develop new talents. ’Yung Kambal Sirena, aside from showing some skin, it’s an acting piece kasi kambal sila.

    “Magkaibang character. Nakitaan namin namin siya ng acting talent sa Pilyang Kerubim kung saan natapatan niya si Maricel Soriano doon,” katwiran naman ni Lilybeth Rasonable, SVP for programming.

    Wala sa pagharap ng executives, program managers at executive producers ng GMA ang mga boss.

    Kaya hiningan namin ng pahayag si Ma’am Lilybeth sa muling pag-ingay ng isyu na bibilhin ni Manny Pangilinan ang shares ng presidente nilang si Atty. Felipe Gozon at si Kris Aquino ang papalit sa puwesto niya.

    “’Yung kay Kris, so, she just came out with her statement. That settles it. Talagang walang… She was the one who said that she was not talking to anyone sa GMA. So, kahit kami, nagulat doon kung saan nanggaling.

    “Tapos, ’yung talks ng bilihan, that came up again sometime in December, if I am not mistaken. To be honest, hindi ito showbiz, wala kaming kaalam-alam.

    “Naririnig namin ’yan. Pero walang inkling. Saka siguro, if you care to meet FLG one of these days, you can always ask him. He always naman gives straight answers. Among us, we really don’t know,” paliwanag ni Ma’am Lilybeth.

    Present din sa lunch na ’yon si Marivin Arayata, VP for entertainment na in-charge sa talk, variety, comedy, games at iba pang shows ng GMA.

    Tinanong namin siya kung nakaapekto ba ang pagkawala ni Ogie Alcasid sa Bubble Gang. “Actually, wala naman pagdating sa ratings. But we’re thankful naman kay Ogie dahil in 18 or 19 years na ngayon, nakatulong naman siya sa show. Pero nageffort din ang creative, ang production na kahit nawala si Ogie, nandoon pa rin ang show. Na-maintain pa rin ang ratings,” tugon naman ni Tita Avin.

    Teka, mukha yatang wala sa line-up ng mga show si Manny Pacquiao. “Nasa line-up except that… This is for the fi rst quarter. But we are planning something for him,” saad pa ni Tita Avin.

    Tungkol naman sa nagri-request na magkaroon ng Book 2 ang groundbreaking show nilang My Husband’s Lover, ayon kay Tita Lilybeth, “Pinag-iisipan namin ’yon. But we’re happy that it was very successful. That was the challenged poised in 2013 and now, we are challenged again to do something new and different. But we are also coming out with something risky.”

    Hindi naman sila takot kay Wilma Galvante, head ng programming sa TV5 na dati nilang boss? “Hindi naman.

    Threat? Hindi naman! Nagkakuwentuhan pa nga kami, eh. Siyempre, walang sabihan ng sikreto, hahaha!

    “She was our boss for the longest time. She was my boss for the longest time. I’ve learned a lot from her… things I am applying now when I assumed her post.

    Wala, walang…. walang animosity. But it’s going to be another competition,” diin ni Tita Lilybeth.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here