Robin versus Daniel

    554
    0
    SHARE

    KAHIT MAGKALABAN ang mga pelikula nila ni Daniel Padilla sa Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa Dec. 25, hindi iniisip ni Robin Padilla na kakumpetisyon ang sariling pamangkin.

    Daniel is starring in Pagpag: Siyam Na Buhay under Star Cinema and Regal Films, si Robin naman, bida sa 10,000 Hours ng N2 Productions, Philippine Film Studios, Inc. at Viva Films. Say ni Binoe sa presscon ng 10,000 Hours last Monday, suportado niya ang pamangkin.

    “Hindi natin puwedeng sabihin na katapat. Iba na si Daniel. Ano na ’yang pamangkin kong ’yan, lahat kami, nakasuporta sa kanya. Parang siya ’yung may dala-dala ng bandila. Lahat kami, lalo na ako, hindi natin kukumpetensiyahin ’yun. Susuportahan natin ’yun hanggang sa dulo.

    “Panoorin nila ’yung dalawa (10,000 Hours and Pagpag) para makita nila ’yung ano, Padilla blood talaga,” he said. Asked kung puwede na bang sabihing si Daniel ang papalit sa kanya, para kay Binoe, mas malaking figure na raw ang pamangkin ngayon sa kanya.

    “Kumbaga, ’yung media ngayon, hindi natin puwedeng ikumpara sa media natin noon. Eto, buong mundo.

    Kahit saan ako makarating. Hanggang Lebanon. Noong nagpunta ako ng Lebanon, isa lang ang hinihingi ng tao — si Daniel. “Para sa akin, wow! Hindi puwedeng sabihin na siya ang humalili sa akin. Hindi. Kahit noong panahon ni Tiyo Pempe, hindi rin puwedeng sabihing ako ang humalili kay Tiyo Pempe, magkakaiba kami ng panahon.

    “Sa ngayon, siya (Daniel) ang pinakamalaking pag-asa ng Padilla. Lahat kami, nasa kanya.” Magkaiba raw ang nagawa nilang dalawa ay bilang Padilla. “Sa entertainment, hindi ko naabot ’yung naabot niya. Sa edad niyang ’yan. Siguro, sa box-offi ce, oo, hindi pa niya naabot (ang naabot ko). Pero ’yung kasikatan, wow! Bilib ako ru’n.

    Iba si Daniel. Mas marami pang ipapakita ’yung batang ’yun, mas marami pa.” In fairness, magkaiba naman ang genre ng mga pelikula nila. Hard action ang 10,000 Hours na base sa ilang pangyayari sa buhay ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson noong panahong nawala or “in hiding” siya for 10,000 hours nang masangkot sa Dacer- Corvito double murder case.

    Dahil inspired sa isang senador ang pelikula, of course, hindi maiiwasan ang pulitikal na tema nito at ayon kay Binoe, sana, magbukas ang movie sa mga mata ng sambayanan tungkol sa bulok na sistema sa gobyerno.

    Kasama rin sa movie sina Michael de Mesa, Alden Richards, Bella Padilla, Mylene Dizon, Pen Medina, Carla Humphries, Cholo Barretto, Markki Stroem, Wynwyn Marquez, Joem Bascon, Antonio  Aquitania at Bibeth Orteza mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here