Nora Aunor di raw binastos ni Vilma Santos

    427
    0
    SHARE

    May eksena sa Ekstra na binanggit ni Gov. Vilma Santos ang pangalan ni Nora Aunor, pero walang dapat ipag-react ang Noranians dahil maganda ang rason kung bakit napasok ang pangalan ni Guy at hindi dapat pagsimulan ng gulo.

    In fact, sabi ni Vilma, kung may magandang script ng indie film para sa kanila ni Guy na challenging gaya ng Ekstra, tatanggapin niya.

    Tama ang sinabi nitong hindi na sila bata, wala na sila sa edad para sa bastusan at hindi na bagay sa kanila ’yun.

    Nabanggit din ni Vilma na bago gawin ang Ekstra, naintriga siya sa indie films kaya nagpabili siya ng DVD copies ng indie films at original copies ang binili niya at pinanood para backgrounder.

    Showing na ang Ekstra sa maraming sinehan, patatawanin at paiiyakin kayo ni Loida (Vilma) sa movie na mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, produced ng Cinemalaya at Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at released ng Star Cinema.

    Invited ang Ekstra sa 38th Toronto International Film Festival under Contemporary World Cinema Programme at eligible sa BlackBerry People’s Choice’s Award. Nalaman namin ito sa post ni Atty. Joji Alonso sa Twitter. Sa September 8 at 10 ang screening nito.

    Tatakbo ang TIFF mula September 5-15, pero sina Direk Jeffrey, Ferdinand Lapuz at Ruby Ruiz, Cinemalaya’s best supporting actress lang ang makakadalo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here