Susan Roces campaigns for daughter Grace Poe

    395
    0
    SHARE

    Pumayag si Susan Roces na sumama sa campaign sorties ng anak na si Grace Poe na as we all know ay tumatakbo bilang senador ngayong halalan.

    Say nga ng Queen of Philippine Movies, ito raw ang isang bagay na kahit noong tumatakbo ang yumaong asawa na si Fernando Poe Jr. bilang presidente ay hindi niya naranasang gawin.

    “Nakarating na ako sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa, sumakay na ako sa iba’t ibang sasakyan at lahat na yata ng tanawin ay nakita ko na, at iba-ibang dialect ang aking natutunang bigkasin,” say pa ni Manang Susan.

    Kuwento naman ni Grace, pumayag daw ang ina na sumama once a week sa mga sorties niya at palengke tour daw ang gusto ni Susan. At may mga kundisyon daw ang kanyang madir sa pagsama sa kampanya.

    Number one na kundisyon, gusto raw ng ina ay mag-o-overnight siya sa lugar para hindi siya nagmamadali.

    Pangalawa, ayaw daw nito ng private plane at chopper kungdi ’yung commercial flight at kailangang malaki ang eroplano. Kung land trip naman, kung puwede raw ay maikli lang.

    Si Susan daw ang may gusto ng palengke tour dahil naaaliw pala siya na mamalengke. Kaya pag-uwi raw nito ay 10 balikbayan boxes daw yata ang dala-dala dahil sa kabibili ng kung anu-ano sa palengke.

    Say pa ni Grace, 2007 pa lang daw ay pinatatakbo na siya ng mga kaibigan nila pero tumutol daw si Tita Swanie (tawag kay Susan sa showbiz) kaya hindi na siya tumakbo.

    Pero nakita raw siguro rin ng ina na maayos naman ang naging pamamalakad niya sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) kaya pumayag na rin ito ngayon na kumandidato siya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here