Mother Lily di tiwala sa box-office appeal ni Marian Rivera

    456
    0
    SHARE

    Naka-Set na ang mind ni Mother Lily na sa June na i-release ang pelikula niyang My Lady Boss starring Richard Gutierrez at Marian Rivera.

    Nakatakda sana ang pelikulang ipalabas sa April 10. Pero ayon nga kay Mother Lily, kusa niyang ipinagpaliban ang release ng movie dahil sobra nga daw ang lakas sa takilya ng pelikula nina John Lloyd at Sarah Geronimo na It Takes A Man and A Woman kaya mahirap nga naman itong ‘sabayan.’

    Well, ang nakakatuwa sa It Takes…,  ayon sa mga nakapanood na ng movie, napakaganda raw nito at nakakaaliw panoorin.

    No wonder na ilan sa mga nakapanood na ang umulit pang panoorin ang pelikula.

    Well, congratulations ’di lang kina John Lloyd at Sarah, kungdi sa director ng movie na si Cathy Garcia-Molina, na inspiradong-inspirado nga dahil in love.

    It Takes A Man… is co-produce ng Star Cinema at Viva Films.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here