Lovi Poe denies Jake Cuenca

    384
    0
    SHARE

    LALONG titindi ang intriga kina Lovi Poe at Jake Cuenca ngayon dahil magkasama sila sa indie film na Lihis na idinidirek ni Joel Lamangan. ‘Di kasi  mamatay-matay ang  issue na may lihim na romansa ang dalawa.

    Kahit matagal nang naipalabas ang  My Neighbor’s Wife, sweet pa rin sina Lovi at  Jake. Nakikita pa raw silang kumakain sa labas.

    Pero kapag tinatanong naman sina Lovi at Jake, laging sinasabi ng dalawa na close friends lang sila. Parehong idinidenay ng dalawa na naging “sila” o “sila pa rin ngayon. “

    Ayon kay Lovi, loveless siya ngayon at iniisip lang  ang kanyang  acting career.  Katatapos lang niya ng soap opera sa GMA7, ang Yesterday’s Bride, kapartner ng isa pang nali-link sa kanya na si Rocco Nacino.

    Samantala, very unusual ang love team nina Lovi at Jake sa Lihis.  Habang sila’y nagsasama bilang mag-asawa, may karelasyon si Jake na lalaki, na ginagampanan  ni Joem Bascon.

    Ang movie ay entry ni direk Joel sa Sineng Pambansa All Masters Series Film Festival ng Film Development Foundation (FDCP). Co-producer ng Lihis ang businesswoman at real estate broker na si Ms. Baby Go.

    Kasama sa cast ang mag-inang sina Gloria Diaz at Isabelle, Raquel Villavicencio, Tony Mabasa, Alex Castro at Jaime Pebanco. Dahil may touch ng gay life ang pelikula,  kaabang-abang ang magiging love scenes nina Jake at Joem. Sabi ni direk Joel, marami ang masa-shock sa eksena.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here