Starting Monday, si Amy Perez na uli ang host ng Face to Face na mapapanood sa new time slot na 4:30 p.m.
Kasama pa rin si Hans Montenegro at Trio Tagapayo na sina Atty. Persida Acosta at Atty. Benedicto Acosta Jr., Fr. Sonny Merida at Dr. Camille Garcia.
Ibinalita ni Amy na may new segment sila at may partnership with Tesda at ’di lang in-announce, pero tinutulungan ng show ang mga dapat tulungan.
Nasa presscon din si Gelli de Belen na matagal nag-pinchhit kay Amy.
Ibinalita nitong ang bagong show niya ay ang Tropang Kulits kasama si Ryan Agoncillo. Kiddie gag show daw ito, inisip agad ng press na baka dito makakasama si Ogie Alcasid ’pag nakalipat na ito sa TV5.