Kasamang dumating ni Mayor Herbert Bautista ang kanyang anak na si Harvey Bautista nuong gabi ng Star Awards kamakailan lang.
Dahil nag-aartista ang bata, ayan nga, nagbiro pa si Mayor na chaperone na lang siya ng kanyang anak.
Wala si Gng. Thates pero panay ang tawag sa mga press friends na pakaisikaso naman daw ang mag-ama niya.
Anyway, kailangan din namang maging visible ngayon ni Mayor Bistek, dahil una, pangkampanya na rin, at pangalawa, isa siya sa mga bida sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll movie ng Regal Films. Beingin the first ever SRR, Mother Lily deemed it necessary na kasali sa bagong movie si Bistek.
Bahagi rin ng executive committee ng Metro Manila Film Festival 2012 si Mayor Herbert Bautista kaya naman dahil meron siyang entry na Shake, Rattle & Roll XIV, umiiwas siyang dumalo sa meeting upang hindi mapagbintangang gagagamitin ang posisyon upang makakuha ng best actor award.
“That’s why hindi ako masyadong uma-attend. Ang pinapa-attend ko, si former MTRCB Chairman (Consolisa) La Guardia. Consultant ng Film Commission ng Quezon City kaya siya ang pinapapunta ko.
Kasi I don’t wanna be… Pero ang rule, ’di ba, dapat six movies lang? Ba’t naging eight ito? Matagal ng eight? Hindi ako nagbabasa, eh. Kasi dati, six lang. Ginawang eight?
“So that only shows na talagang hindi ako uma-attend ng meeting namin ng Manila Filmfest. I’m updated but I don’t wanna be part of decision making,” paliwanag ni Mayor Herbert.
Sa SRR14, first time siyang maidirek ni Chito Roño. Palibhasa reunion niya ang Pamana episode with Janice de Belen at Arlene Muhlach na nagbida rin sa kani-kanyang episode sa unang SRR, may mga moments na ang gulu-gulo nila sa set, huh!
“Una, pinagtatawanan namin si Direk Chito. Hindi kasi…Hindi naman sa pinagtatawanan namin siya.
It’s more of because nangangapa kaming dalawa ni Dennis Padilla kung paano ang approach sa kanyang artista.
“So kami, tinatakot kami ni Janice. So tawanan na lang nang tawanan ’yon. Nakakapag-create ka ng scenario roon na paano pagka nagalit siya. ’Yung mga ganoon. Isa ’yon.
“But it turned out that Direk Chito is really a wonderful director. He’s just very controlling. Iku-control ka niya.
Hindi siya pababayaang umalagwa. Lalagyan ka niya ng limits. Baka ma-off synch ka sa istorya ’pag pinabayaan kang umalagwa. Which happened to me!
“’Yung reaction ko, naging slapstick. ‘Huwag, huwag. Tao ka rito.’ Parang ganoon ’yung sinabi sa akin.
Sa first day namin, naging dramatic actor ako. ‘Ilabas mo naman ’yung Herbert Bautista.’ Dalawa, o tatlong insidente na I can never forget as far as Direk Chito is concerned.
“So another one is ’yung kalokohan namin nu’ng bata pa kami. At ’yung inter-relatedness ng mga asa-asawa.
Halos magkakamag-anak na rin, ’di ba? Almost magkakadugtong na kaya ’yung mga internal na tsismis ng mga mag-asawa, napag-uusapan na. Nadadaan na lang sa tawa-tawa at saka magulo ang set,” paliwanag ni Mayor Herbert na inihahalintulad ni Mother Lily bilang ang lalaking Vilma Santos.