NAGTATAKA si Isabelle Daza kung bakit siya biglang na-link kay Dingdong Dantes recently.
Diumano’y si Isabelle ang ipinalit ni Dingdong kay Marian Rivera. Mabuti na lang at nilinaw kaagad ito ni Dingdong sa presscon noon ng hit movie na Tiktik: The Aswang Chronicles.
Ayon kay Isabelle sa presscon ng bagong cooking cum talkshow ng GMA News Channel, Channel 11, ang Taste Buddies, kasama ni Solenn Huessaff:
“Natatandaan ko lang ay nagkasama kami ni Dingdong sa isang corporate affair last year. Kami ang nag-host ng awarding sa isang golf tournament. Palabiro si Dingdong, ako naman ay kabagu-bago pa lang sa showbiz.”
Pagkatapos ng affair, ayon kay Isabelle, di na sila nagkita ni Dingdong.