Minsang naging kabit ang aktor

    552
    0
    SHARE

    May big revelation si John Lloyd Cruz  sa grand presscon ng The Mistress na reunion movie nila ni Bea Alonzo under Star Cinema. Natanong kasi ang dalawa kung na-experience na rin ba nila in real life ang magmahal ng isang taong may mahal pa ring iba.

    Sa kuwento kasi ng The Mistress ay ginagampanan ni Loydie ang papel ni JD na nagkagusto kay Sari (Bea) pero it turned out na may iba pa itong mahal na ginagampanan naman ni Ronaldo Valdez.

    Ayon kay Loydie, naranasan niya ito at one point in his life.

    “At one point in my life, yes. Parang pumayag ako na sige, kahit no. 2, okey na ako du’n, magse-settle ako.

    Although medyo I was so much younger, siguro I was in my early 20s nu’ng nangyari ’yun.

    “So, para bang hindi ko rin alam, the feeling was too strong, hindi ko ma-contain, and wala, siya ’yung nag-take over and pumayag na ako na sige, nasabi ko, nabigkas ko ‘yung mga salitang ‘okay lang kung kaylan ka may time, okay na ako du’n’. Ganu’n,” pag-amin ni Loydie.

    Inamin din ng aktor na mahirap ’yung nasa ganu’ng sitwasyon.

    “Hindi naman sa immoral  pero parang dine-dare ka niya to be someone you’re not. Kasi, ’yun nga, masyadong malakas ‘yung nararamdaman mo for the person.

    “It was quite a struggle definitely. Kasi alam mo na at the onset, mali, eh. Mali talaga, eh. Pero lagi ko ngang sinasabi, eh, you can’t argue with love.

    “But I found out later on that I was only infatuated,” natatawang sabi ni Loydie. “And I realized that she deserves better. She did not deserve to be in that kind of situation.

    So, in a way, naging instrumental ako na kaya siya na nalalagay sa ganun’g klaseng sitwasyon was because hindi ko ginagawa kung ano ang tama.”

    Ayon naman kay Bea, siya naman daw ay hindi niya kaya ang magmahal ng may kahati.

    “Masyado yata akong possessive na hindi ko kayang mag-share. Hindi ko kaya na may ka-share,” sey ni Bea.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here