Jennylyn Mercado sexy kahit nanay na

    381
    0
    SHARE

    Pasok na naman si Jennylyn Mercado sa 100 Most Beautiful Stars of Yes! Magazine ngayong 2012. The last time around the actress/singer made it to the list, sa “fit and fab” category siya napabilang.

    This time, sa Hot Mama category naman siya napili kasama nina Julia Clarete, Carmina Villaroel, Gladys Reyes, Lj Reyes, Andi Eigenmann and Judy Ann Santos.

    Jen made it to the list for obvious reason na sa kabila ng may anak na siya ay napapanatili pa rin niya ang kanyang lean, toned body na kinaiinggitan ng ating mga kababaihan lalo na nga ng mga young mommy’s na rin.

    In fact marami nga ang nagsasabi na mas sexy pa siya ngayong mommy na siya kaysa noong dalaga pa siya.

    Ang sikreto ni Jen sa kanyang sexy figure ay ang matiyagang pagwo-work-out sa gym. Nahilig din siya sa sports tulad ng boxing, biking, Muay Thai and jui jitsu. This year ay sumali naman siya sa triathlon.

    Samantala, happy rin si Jen na may bago na naman siyang teleserye na nagsimula na kahapon, Monday, sa afternoon slot ng GMA-7, ang Hindi Ka na Mag-iisa opposite Sid Lucero.

    Sasabak naman ang aktres sa matinding drama at iyakan this time kaya sey niya, kailangan daw ay may baon siyang luha parati sa set.

    Bukod dito, isa pang ikinae-excite ni Jen ay na-retain siya sa magazine show na ipapalit sa Showbiz Central.

    Of course, patuloy pa rin siyang napapanood sa Party Pilipinas every Sunday 

    Kasama rin si Jen sa Protege artista search to host  the Inside Protege segment. Malapit na rin siyang mag-launch ng bagong album under Polyeast Records.

    Sa July 21 naman ay magsisimula na siya sa shooting ng movie niyang Bride And Lover under Regal Films.

    Sports is still on her list dahil kahit busy sa trabaho, she was able to join the ironman competition na gaganapin sa Cebu ngayong Agosto.

    Pero ang pinakamalaking pasabog ni Jen ay magaganap ngayong Oktubre na may kinalaman sa isang bagong endorsement na kanyang tinanggap. First time niya itong gagawin kaya sobrang excited siya.

    Kung ano ’yun ay abangan na lang natin.

    Jennylyn seems to be having the best of both worlds nowadays. Happy siya sa kanyang career, happy pa siya in love sa piling ng boyfriend na si Luis Manzano.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here