Buong bansa nakatutok sa kalagayan ng Comedy King

    394
    0
    SHARE

    As of press time, since Wednesday night ay nakatutok ang buong showbiz industry sa kalusugan ng ating king of comedy na si Dolphy dahil na rin sa announcement ng Quizon family na kritikal ang kundisyon ng komedyante na kasalukuyang naka-confine sa Makati Medical Center.

    Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong announcement mula sa pamilya ni Mang Dolphy kaya naman nag-alala nang labis ang lahat ng mga kaibigan at kapwa-artista sa industriya ng Comedy King.

    On Wednesday, dumagsa na rin ang ilang mga artista natin para bisitahin si Mang Dolphy.

    Ayon sa report, dumating sina Maricel Soriano, Ai-Ai de las Alas, Janice de Belen, Vhong Navarro, Willie Revillame, Bibeth Orteza at Tirso Cruz III.

    Balitang dumating din ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio.

    Sa Bandila, in-interview ni Boy Abunda nang live si Ai-Ai sa labas ng hospital at naiyak ang Comedy Concert Queen habang nagbibigay ng pahayag.

    Nasa hospital din ang lahat ng anak ni Mang Dolphy na nasa Pilipinas habang pito pa raw ang nasa ibang bansa.

    Ayon sa isa sa mga anak na si Eric Quizon, ang ama nila has been suffering from chronic obstructive pulmonary disease (COPD) for five years now.

    “Parang emphysema, it’s actually emphysema,” sabi ni Eric.

    When they found out about it, stage four na raw ito at kumbaga sa cancer, last stage na.

    Kahapon, Thursday, may panibagong update sa kalusugan ni Mang Dolphy.

    Ayon sa report ng ABS-CBN news, according to Eric, bumuti nang bahagya ang kalagayan ng ama.

    Nagpasalamat din ang aktor-director sa lahat ng mga nag-aalay ng panalangin kay Mang Dolphy.

    “Naniniwala talaga ako sa power of prayers. From yesterday when I said my statement at 6 p.m., for 12 hours, nag-improve ang kanyang condition.

    “Alam ko na nararamdaman ng daddy ko ang dasal nila, mga dasal niyo. Nagpapasalamat ako sa milyun-milyong mga kababayan natin na nagdarasal,” sey pa ni Eric.

    At kung may lumbay sa showbiz, maraming simpleng tao ang nalulungkot para sa Comedy King.

    Maraming viewers ang naiyak nang magbigay ng update si Eric Quizon sa kalagayan ng amang si Dolphy at kasama ng kanilang pamilya ang taumbayan na nagdarasal sa paggaling ng Comedy King.

    Kaugnay nito, may mga nagtatanong kung kailan siya itatanghal na National Artist?

    Karamihan sa mga Pinoy ay naniniwalang he deserves to be given the award at dapat noon pa.

    Ang ganda ng tweet ni Direk Joey Reyes tungkol dito. Sey nito: “He does not need to be a National Artist for he IS a National Treasure. The man named Dolphy.”

    Maganda rin ang FB post ni Jerry yap, dating Pangulo ng NPC tungkol kay Dolphy. Hopefully, makararating ito sa kinauukulan.

    Lumabas ang kolum na ito ni Alab ng Mamamahayag (ALAM) National Chairman Jerry Yap nitong Linggo, Hunyo 17 (2012).

    Sa kasalukuyan, lumalakas ang clamor na gawaran na ng National Artist Award si Rodolfo “Dolphy” Quizon, Sr.

    Ang sabi ng Malakanyang ayaw daw nilang ‘makulayan’ ang paggagawad nito kay Mang Dolphy. Tao po, mga taga-palasyo! Ilang dekada nang pinasaya ni Mang Dolphy ang sambayanang Pinoy.

    Mula pa noong panahon ng HAPON … hindi pa ba siya KARAPAT-DAPAT sa KARANGALANG ito?

    Baka nalilimutan ng PALASYO … isang PAYASO ang NAGPAPAHALAKHAK sa PANGULO para tanggalin ang kanyang ‘STRESS’ sa araw-araw 🙂

    Inuulit lang po namin ang panawagan ni ALAM national chairman Jerry Yap … NATIONAL ARTIST Award para kay Mang DOLPHY, NOW NA!

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here