Si Sarah G pa rin

    476
    0
    SHARE

    Siguro naman ay nakatulog na nang mahimbing si Sarah Geronimo ngayon. Dati kasi, nababagabag si Sarah dahil nate-threaten ang kanyang stature.

    Yes, may panahong natakot nga si Sarah na matabunan ni Angeline Quinto na bini-build up ng ABS-CBN.

    Insecurity of sort ang nararamdaman ni Sarah ayon sa ilang scribes.

    Sinasabi ring si Angeline pala ang tunay na dahilan kung bakit urung-sulong ang pagpirma noon ni Sarah ng bagong kotrata. In a way, kahit na pumirma na si Sarah, still nag-linger yung insecuirty niya over the new singer.

    Itinambal nga si Angeline kay Coco Martin at marami ang umasang magiging monster hit ito. Matunog nga naman si Coco Martin na isa sa pinakamainit na actor sa ABS.

    Pero nang sumemplang sa takilya ang movie, ayon, balik starlet level si Angeline at ngayon ay nanahimik muna at walang maraming ngalngal na binubukelya.

    Sa ngayon nga, kampante na si Sarah na siya pa rin at walang iba.

    So there!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here