Vice Ganda, Vhong Navarro nagkapikunan sa Showtime?

    362
    0
    SHARE

    Sa wakas, nagkapangalan na ang dalawang tv hosts na sinasabing bayolenteng ang sigawan sa hallway ng network na kanilang pinaglilingkuran.

    Sa una pa lang, may mga nag-isip na na sa ABS-CBN nangyari yung shouting spree, kasi nga tanging ang building ng naturang network ang may hallway na binabagtas ng mga artista papunta sa studios nila.

    Anyway, sina Vhong Navarro at Vice Ganbda pala yun.

    But in an interview, Vhong denies the isyu at nagsabing imbento lang daw ang tsismis.

    “Didiretsuhin ko na kayo, di po totoong nagkasagutatan kami ni Vice.

    “Nagulat kami  nung may nag-tweet sa amin ni Vice, lumabas na may nagsabi nga raw.  Pinabasa ko agad sa kanya, sabi ko, ‘Ano ito, sagutin na natin agad para matapos na.’

    “Nag-react kami agad nung sinabi yun,” sabi ni Vhong.

    “Alam ninyo mahirap magplastikan. Si Vice mababasa mo kapag may problema, especially hindi lang sa tao kundi sa showbiz. Ganun ‘yan.

    “Kung ano ang nakikita ninyo on-cam, kapag off-cam ganun din kami.

    “Ang live show kasi especially pag noontime show, di ka umaarte dun.  Yun ka sa totoong buhay, sa likod ng camera yun ang pagkatao mo.

    “Iba kasi pag acting, pag soap opera, sitcom—may character ka diyan. Pero pag live show, pagkatao mo yun,” sabi ni Vhong.

    “Tatlong taon na rin ang Showtime so kabisado na namin ang isa’t isa.

    “Ako yung tipo ng tao na kapag may nagawa akong kasalanan sa isang tao, didiretso ako agad, hihingi ako ng tawad kahit nga di ko pa kasalanan.

    “Ganun ang pagkatao ko, e, para lang wala nang samaan ng loob.”

    Recently nga ay niregaluhan pa ni Vhong ng mamahaling unan si Vice.

    “Nag-request naman siya, sabi ko, ‘Why not?’ Kasi si Vice niregaluhan niya ako ng telepono.”

    Iba’t ibang hosts na may kanya-kanyang talent at pag-iisip; di naman ideneny ni Vhong na paminsan-minsan ay di maiiwasang magkaroon ng friction sa pagitan nila.

    “Pero di ito lumalaki dahil parang pamilya na ang turingan nila sa isa’t isa sa Showtime.

    “Kahit anong gawin o mangyari, pamilya na kami.  Ang pamilya nagkakaproblema, di naman puwedeng laging okay ang samahan pero kapag may tampuhan inaayos agad.”

    May mensahe rin na gustong ipaabot si Vhong sa mga taong umiintriga sa samahan ng mga kapwa niya co-hosts sa Showtime.

    “Una sa lahat, di totoo yung binabato ninyo sa amin.  Kung mayroon kayong nais na gawin na ganyan, sana magtanong muna kayo sa amin bago ninyo ilabas.

    “Ang ending kasi niyan, kayo din ang napapahamak o nasisira sa publiko kasi kayo ang nagbabalita.  Pero kami ay nagpapasalamat na dahil sa inyo ay nababalita kami.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here