Valerie Concepcion di type ang kasal

    411
    0
    SHARE

    Inamin ni Valerie Concepcion sa interview niya sa Kris TV kahapon na nag-propose na ng kasal ang long-time boyfriend niyang PBA player na si Dondon Hontiveros, pero tinanggihan niya ito dahil hindi pa siya ready.

    Bago ito, inamin din niyang dumaan sila sa cool-off period ni Dondon at kaka-reconcile lang.

    "Bago kami nagkabalikan, ‘yun ang kinukulit niya sa akin, ‘yung kasal. Kaso, ako naman ‘yung natsupe. Hindi pa ako ready. Hindi ko alam kung sinabi niya to win me back o gusto na niya, hindi ko pa alam," sey ni Val sa panayam.

    "Pero sinabi ko sa kanya na hindi pa ako ready. Kung magbabalikan tayo, tingnan natin kung mapupunta doon.

    Pero sa ngayon, hindi pa," sey pa ni Val.

    Ni-reveal din ng aktres na siya ang nag-initiate ng cool-off sa kanilang relasyon na tumagal ng three months, from November 2011 hanggang February this year.

    Ayon kay Val, kinailangan niya ng space sa kanilang relasyon kaya nakipag-cool-off siya.

    Well, feeling namin, may trauma pa talaga si Val sa nangyari sa kanya in the past kaya up to now, parang napapaso pa siya sa pagpapakasal.

    Anyway, pagdating sa kanyang career, happy si Val na magiging regular pinchhitter siya sa Umagang Kay Ganda, kaya abangan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here