Katrina Halili pinatapang ng mga masasamang pinagdaanan sa buhay

    368
    0
    SHARE

    Maganda ba ‘yung hindi na nakawala sa kontrabida mold si Katrina Halili?

    Sa mga unang sabak niya, siya ang kontrabida ng maraming ni- launch na premier stars sa GMA 7.

    Kontrabida siya kay Marian Rivera, naging kontrabida rin kay Angel Locsin, kay Heart Evangelista  at sa iba. Yung huli, sa Munting Heredera, kontrabida rin siya. 

    This time, she’s playing another villain role in “My Beloved.”   Pero alam n’yo ba, sa”Spooky Valentine Presents Masahista, siya na’ng bida?”

    Napanood ito kagabi, sa GMA 7.

    “Yes, active na po uli ako,” pagkukuwento pa niya. 

    Panay naman daw ang papuri sa kanya ng ilang execs ng GMA 7 dahil sa husay niya sa buhay. “Ginagawa pa lang. Kapag natapos, I will invite you all. While waiting for my new show, nag-aral ako ng baking and cooking.”

    Ano naman ang reaction niya sa balitang magbabalik sa eskena si Hayden Koh?

    “Ay, wala na akong pakialam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako, I’m back to work. I’m happy.”

    Matapang na raw siya ngayon. “Dapat lang naman. Sa rami ng pinagdaanan ko, dapat lang akong tumapang.

    When our colleague Tyron Perez passed, I went to his wake at kinausap ko nga siya, sabi ko, nanghihinayang ako sa kanya.

    Kung may malaki siyang problema, dapat kinausap niya na lang ako at marami akong maise-share sa kanya.

    Di ba, sa dami ng hirap na pinagdaanan ko, never ko naisip gawin yung ginawa niya. At ngayon, I can say na masaya na ko sa buhay ko.”

    Is it true she and Kris Lawrence are now happy together? “Yes, masaya kami.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here