Senator Bong Revilla pinalakpakan sa Panday 2

    406
    0
    SHARE

    Ilang beses pinalakpakan ng press at ng ibang nanood sa press screening ang Panday 2 at lahat ay nagandahan at nag-enjoy sa entry ng Imus Productions at GMA Films sa 2011 Metro Manila Film Festival.

    Kita sa movie kung saan napunta ang P80 million na budget at kitang hindi tinipid ang budget ng movie.

    Ipinagmalaki ni Sen. Bong Revilla na maliban sa 7.1 Dolby sound na ginawa sa Bangkok, lahat ng may aspetong teknikal ay dito na sa atin ginawa. Ang ganda ng animation, sound at kabuuan ng movie.

    May part 3 ang Panday based sa mga huling eksena sa Panday 2, pero sa 2013 pa para mapaghandaan nang husto.

    Si Lorna Tolentino, bilang si Buruka, ang makakalaban ni Bong, pero sabi ni Phillip Salvador, kasama pa rin ang karakter niyang si Lizardo.

    Inaangkin ni Phillip na si Lizardo ang nakabuntis kay Maria Makiling (Iza Calzado) na kahit patay na ay lumaki pa rin ang tiyan, bagay na kinontra ni Bong.        

    Malalaman na lang kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Maria sa ugali ng bata paglaki.

    Tama ang sabi ni Bong na hindi lang pambata ang Panday 2, pang-all ages.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here